Pre-Executive Legislative Agenda, Isinagawa ngayong araw sa pangunguna ng MPDC at DILG.
Ang Executive Legislative Agenda ay ang pagpapaplano para sa 3 taong programa para sa ikauunlad ng ating Minamahal na Bayan ng Silang.
Ito ay isang pamamaraan na ipinaguutos ng Department of Interior and Local Government (DILG) upang maayos na maipatupad ang mga Programa para sa lahat ng Silangueños.
Nakiisa sa isinagawang PRE-ELA sina Dr. Cherry Cuevas ng Municipal Planning and Development Council, Department Heads, mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Ted Carranza, Ganundin sa mga ibat ibang Civil Society Organizations.
Umpisa palamang po ng pagbabago sa Silang. Asahan po ninyo ang mas maraming kapaki-pakinabang at maayos na proyekto para sa lahat ng Silangueño.