Province of Cavite
Land Area
Barangays
Population
Businesses
Read MoreSa patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Bayan ng Silang na mapalawak at mapabuti ang serbisyong pangkultura at pang-edukasyon, masaya naming ipinapaalam ang pagbubukas ng bagong-renobadong Silang Municipal Library. Sa pangunguna ng ating minamahal na Mayor Kevin Anarna at Municipal Administrator Nathaniel "Jung" Anarna, Jr., ipinapakita natin ang dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng kaalaman at kultura sa ating komunidad.Ang bagong disenyo ay naglalayong magbigay ng mas malawak na espasyo para sa pag-aaral, pananaliksik, at iba pang kultural na aktibidad.Sa pagtutok sa pagpapalakas ng kagalingan ng mga mamamayan, nadagdagan ang koleksyon ng mga libro, pamplet, at iba pang learning materials sa Silang Municipal Library. Ito ay magbibigay ng mas maraming mapagkukunan ng kaalaman at impormasyon para sa mga mag-aaral, guro, mananaliksik, at iba pang interesadong indibidwal.Ang Municipal Library ay matatagpuan sa lumang munisipyo, Brgy. Poblacion 5, Silang, Cavite.
Read MoreAng inyong Pamahalaang Bayan ng Silang ay mabilis na umaksyon sa reklamong ating natanggap tungkol sa temporary transfer facility ng basura sa Barangay Bulihan.Agarang nag-inspeksyon sa lugar ang ating mga kawani mula sa Municipal Environment and Resources Office at sa loob lamang ng 24 oras ay agad itong napaalis at napalinis.Sa ganitong paraan, ipinapakita ng Pamahalaang Bayan ng Silang ang kahandaan at determinasyon na agarang aksyunan ang mga reklamo ng ating mga mamamayan. Ang naganap na hakbang ay naglalayong hindi lamang mapanatili ang kalinisan kundi maging ang pagkakaroon ng isang mas malusog at maayos na komunidad para sa lahat.Tunay na nagpapatuloy ang Pamahalaang Bayan ng Silang sa ating layunin na maging responsableng tagapamahala at tagapagtanggol ng kagandahan at kaayusan ng ating bayan.
Read MoreItinanghal bilang 5th Placer out of 23 Municipalities sa 2023 OUTSTANDING LOCAL CIVIL REGISTRY OFFICE sa buong lalawigan ng Cavite ang ating Municipal Civil Registry Office sa pangunguna ng ating masipag na MCR Head, Ms. Priscilla R. Tagle.Ang ating tagumpay na ito ay hindi lamang nagpapakita ng kahusayan ng ating LCRO kundi pati na rin ang kolektibong pagsusumikap ng bawat kawani na nagtatrabaho ng may husay, galing, talino at malasakit.Maraming salamat sa inyong suporta at pagtitiwala. Patuloy nating ipagpatuloy ang pag-unlad at tapat na paglilingkod para sa ating mga mamamayan.Mabuhay ang Bayan ng Silang!