Personal na ininspeksyon nina Mayor Kevin A. Anarna, Board Member Macoy Amutan, Congressman Roy Loyola at mga Sangguniang Bayan Members ang ongoing construction ng Farm-to-market road sa Barangay Balite II at inalam kung ano pa ang mga hinaing ng mga kababayan nating Silangueño na araw-araw ay dumadaan roon.
Ang pagsasaayos ng mga lubak at mapuputik na mga daanan sa ating bayan ay isa sa pagtutuunan ng pansin ng ating alkalde.
Nagpapasalamat rin ang alkalde sa ating #AmaNgCarSiGMA, Congressman Roy Loyola sa kaniyang mga tulong at inihahandang mga proyekto sa ating bayan.